Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Thursday, August 11, 2022

Your Messenger message:

"Good day sir.. tanong kulang kung meron kang painting na batang jesus Christ na binigay mo sa kaibigan mo noon na nag aaral sa london na taga dubai.? Ksi my naka lagay T. perez at my petsa december 52 naka lagay.

"Ofw ksi nanay ko noon at amo nya po yung binigyan ng painting noon na taga dubai. Pag uwi ng nanay ko sa pilipinas binigay po ng amo nya yung paiting na binigay dw kaibigan nyang pilipino sa kanya noon. Nasa amin po ang painting na yon.

"West pointer po yung amo ng nanay ko sir. Isa pong soldier

"Sana po mapansin nyu po sir tony.. hoping for your response.. thanks and Godbless"


My reply:

Hello ________!

1) Hindi sa akin ang painting na iyon, sapagkat isinilang ako noong 1951.

2) Buo ang agda ko sa lahat ng obra ko--"Tony Perez" at hindi kailanman "T. Perez".

3) Hindi lamang ako ang pintor na Tony Perez. Maaari mo silang i-Google search.

4) Ipadala mo sa akin, sa Messenger, ang litrato ng painting. Baka sakaling malaman ko kung sino ang lumikha noon.

No comments:

Post a Comment