11. Taglibog
Mahapdi ang sikat ng araw
Nakamamanhid ang liwanag ng buwan
Umaambon nga kung minsan
Pero malayo ang malamig na ulan
Kayrami ng nais kong parausan
Mga mukha't hinuhubdang katawan
Mga barahang paulit-ulit binabalasa
Hanggang mapili ko ang iilan
Binubulungan ko kayo sa isipan
Ng mga salitang walang kahihiyan
Tangan ko kayo tungong sukdulan
Nanginginig ang ating kalamnan
At bukas, sasabog ang mga bulkan
Lilindol, mayayanig ang lupa
Ang mga dagat ay raragasa
Walang makatatanda ng ating mga ngalan
May mga panahon nga ng libog at kabanalan
Mayamungmong na pagsibol at pagkatigang
Pagsira rin, pagkatapos, paglikha
Kamatayan, buhay, kamatayan
No comments:
Post a Comment