Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Saturday, August 29, 2020

Your e-mail message:

"Dear Tony perez,

"Pasensya na po sa disturbo sa email ko.

"37 na po ako ngyon pero dinadalaw parin po ako ng mga kaluluwa at pangitan na magaganap palang. Isa po ba itong kakayahan? Dapat ko po ba iwasan? ..somewhere po july 2020,nakita ko po na maliwanag sa isip ko na nasa pag sabog ako pero diko naririnig,nakikita na mawawalan ng communication at patuloy ang pag sabog. Kina tatakot ko po ito. Hangang nakta ko nalang sa tv may naganap na gera sa ibang bansa..patuloy po ako nakakakita ng kamatyan at sakuna ngunit takot ako mag salita..kaya po ako nag email upang isang guni ko ito lahat.

"Salamat po uli at pasensya."


My reply:

Hello _______!

Lahat ng tao ay may ganyang kakayahan, lalo na ang mga bata. Sa mga may edad naman, karaniwang nangyayari ito dahil sa maintenance medication na regular nilang iniinom. Datapwat, pinipili ng karamihan ang huwag bigyang-halaga ang mga pangitaing ganyan. Higit kasing ikabubuti ng lahat kung ang bawat tao ay mabuhay nang normal. Kung hindi, sari-saring pangitain ang aahon at magdudulot ng kaguluhan sa lipunan. Ang payo ko, sikapin mong huwag pansinin ang mga nakikita mo sa isipan mo. Tutal, kung may disgrasya ka namang makita sa isipan, wala ka sa posisyong pigilan ang disgrasya. Pagtatawanan ka lamang ng iba at ituturing kang sira ang ulo.

Ang pinakaimportante sa buhay ay hindi ang nakikita nating magaganap sa kinabukasan kundi ang lahat ng gawa natin sa kasalukuyan, tungo sa ikaaangat ng sarili natin, ng mga pamilya natin, at ng bayan.  

Mabuhay ka lang nang normal at huwag ka nang matakot.

No comments:

Post a Comment