Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Tuesday, April 27, 2021

Your Messenger message:

"Magandang umaga Sir Tony,

"I hope my email finds you well. Nais ko lang po isangguni ang aking napanaginipan dalawang taon na ang nakakaraan. Hanggang ngayon po ay hindi pa rin malinaw kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip. "* Start * "Nagpunta kami sa bahay ng kasama ko taga Sweden. Pagdating namin sa lugar, natagpuan ko na lamang ang aking sarili nakaupo sa isang kahoy na bangko at ang bangko ay nakapatong sa parisukat na lamesang kahoy. Ang lamesa ay nakalambitin sa ibabaw ng ilog sa pamamagitan ng makapal na lubid. Ang lamesa ay nakataas ng 15 talampakan mula sa ilog. Ako ay natakot na mahulog dahil sa pag-ugoy ng lamesa. Kaya kami ay lumipat ng pwesto malapit sa mababaw na bahagi ng ilog. Inihanda ko ang tripod at camera para kunan ng picture ang aming grupo. Ngunit sabi ng aking kaibigan na hindi ito ang lugar ng bahay niya. Kaya muli kaming naglakad papalayo at napunta sa isang dalampasigan. Makapal ang hamog sa aming napwestuhan. Ako ay napatingin sa makapal na ulap at nakita ko ang imahe ng diyos ng Hindu sa kalangitan. Dali kong kinuha ang aking camera para kunan ang imahe. "Nabago ang lugar na aking kinatatayuan. Ako ngayon ay nasa patag na lugar na merong punduhan ng tubig. Walang makikitang bahay o anyo ng kapaligiran. At sa hindi kalayuan makikita ang rebulto ng diyos ng mga Hindu (Brahma, Vishnu, Shiva?) na gawa sa bato na kulay abo. Ito ay may taas na 15 talampakan sa aking tantiya. Ito ay sumasayaw. Nakataas ang kanang paa na karaniwan istilo ng rebulto ng mga Hindu. "Tumalon ang rebulto sa tubig at naiwan ang kanyang binti nakaangat sa tubig. Muli kong kinuha ang camera para kunan ng video ang diyos ng Hindu. Ako ay napaluhod dahil sa aking nasaksihan. Lumabas ang rebulto sa tubig at lumapit sa akin. Binuksan niya ang kanyang kamay at sa kanyang palad makikita ang isang medalyon na may hugis apat na bilog at isang jade na hugis dahon. Pagkatapos kung kunin ang dalawang bagay sa kanyang kamay ay umalis ang rebulto at ako ay naiwan nanginginig sa aking nasaksihan. "* End * "Pagkagising ko, sinulat ko sa aking electronic dream journal ang nangyari. Tinignan ko ang aking higaan sa pag-aakalang naging totoo ang medalyon at ang jade. Ngunit wala akong natagpuan. "Ang hugis na aking nakita ay aking hinanap sa mga lugar na may relihiyong Hinduismo at Buddhismo kagaya ng Bali Indonesia, Vietnam, Cambodia at Thailand. Ngunit wala akong makitang mga medalyon na kahugis ng aking panaginip na binenbenta sa kalsada at tourist spot. "Hindi ko pa nasubukan silipin ang mga lugar kagaya ng Quiapo kung saan may binebentang medalyon. "Ang pinakamalapit na hugis ay ang medalyon ni San Benito na meron apat na bilog at krus sa likuran. "Ako po ay bininyagan sa Katoliko. Wala po akong background sa Hinduismo kaya ipinagtataka ko kung bakit mananaginip ako ng diyos ng Hindu. Ang pinakamalapit na kahugis ng rebulto sa aking panaginip ay si Lord Vishnu. "Keep safe po at maraming salamat sa inyong oras. "Gumagalang, "____________________"


My reply:

Hello _________________!

Visiting someone in a foreign land in a dream signifies a desire to escape from one's present situation. In your dream, you hover over water, an element symbolizing emotions. That you are above the water and are afraid to fall into it means that you are (or were, since this dream occurred two years ago) in denial of your feelings.

Of the three Hindu gods, Shiva is known as the Destroyer and Vishnu as the Preserver. Two years ago, you were torn between preserving and destroying something--look back and determine what it was.

The objects handed over to you are keys to the mystery of your dream. The medallion with four, round shapes appears to be the muladhara chakra, illustrated as a four-petaled lotus, the color of which is red, and pertains to survival. The leaf-shaped jade piece is an image of life and healing. Again, an apparent dualism between the Destroyer and the Preserver.

Two years ago, something happened threatening your survival. You could have almost lost your job or faced a separation or a divorce. Your psyche showed you, in your dream, the two options you had. 

Whatever the threat was, it seems to me that you made the right decision and have survived the crisis.

No comments:

Post a Comment