Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Sunday, February 2, 2020

Your Messenger message:

"Hi Tay Tony. Musta ka po?

"May weird akong napapansin na nitong mga nagdaang araw ko lang napagtutuunan ng detalye

"Tungkol sa ulan po.

"Hindi ako sigurado, pero medyo napapansin ko. Hindi lang kasi isa o dalawa o tatlong beses na nangyayari. May pagkakataon na dumidilim na yung langit tapos unti-unti nang umuulan tapos titingala ako sa langit at hihiling na itigil ang ulan. Nawawala siya pagkatapos ng ilang segundo. Maraming beses ko na siyang ginawa at parehong resulta.

"Meron namang pagkakataon, naglalaro kami sa open court. Ilang beses na ring nagtangkang umulan, pero hindi natuloy. Noong inilabas ako sa court at masama ang loob ko sa kalaro ko, tumingala ako at hiniling ko na bumuhos na ang ulan, pagtapos ng ilang segundo, bumuhos ang ulan."


My reply:

Hello _____________!

Ilang buwan na rin kitang naging anak-anakan sa larangan ng panitikan at pagiging manunulat, pero di kataka-taka kung nasalinan din kita ng mga kakayahan sa mahika o sa pagiging psychic. Madalas kong banggiting, "The goddess of the storm is my mother", at maaaring nakagaangan ka ng loob ng espiritung-gabay kong iyon, kung kaya't nagiging kapatid mo ang ulan, ang hangin, at ang mga unos.

Hayaan mo lang ang bagay na iyan, ngunit huwag na huwag mong ipaaalam sa iba kung sino ka. Huwag mo ring ipaaalam sa iba ang kakayahan mong iyan.

No comments:

Post a Comment