Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Sunday, February 16, 2020

Wala Lang
(Awit ni Gina)

Sa iyo na lamang ang asawa ko
Alam ko kasi, pinagnanasaan mo

Guwapo nga ang mukha, pero kapag ika'y gutom
Hindi mo ito malalaga o mapipirito

Maganda nga ang katawan, pero kapag butas na ang bubong
Hindi mo ito mailalapat sa yero

Mabukol nga ang pantalon, pero kapag patag ang bulsa
Hindi mo siya maipambabayad sa anumang utang

Kunin mo na ngayundin
Agad-agad mong sunduin

No comments:

Post a Comment