Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Sunday, August 23, 2020

Your e-mail message:

"Sir Perez,

"Greetings from _______, Im not sure kung ginagamit pa po ninyo ang account na ito but still I would like to try and ask for help. By the way I'm ________________, 26.

"Kinukulam po ako ng workmate ko and I would like to ask for prayers that could help cause I dont want to resort on something that will hurt us both.

"Ganito po kasi ang yoon, I'm working as a _________________ support sa isang ____ and eversince nag covid e nahati po kami between work-from-home and in-center. Isa po ako sa mga in centers and that time naging support. Mayroon po kaming mga bagong ahente na pumasok at dahil kulang sa manpower ay ginawa nila akong support sa mga baguhan. 

"Yung ahente pong tinutukoy ko ay isang _________ taga __________ around mid 30s. May TV po kami sa office at dahil sa pagod e naisipan kong umupo muna at manuod. Lumapit sya at nakinuod, out of nowhere tinanong nya ako

"'May kilala ka bang mangtatawas?' naguluhan naman po ako kung bakit ako ang pinagtanungan nya

"'Wala ate, e bakit? dati oo may kilalang mangtatawas dito sa _______ na kaibigan ng lolo ko pero hindi ko alam kung buhay pa' sagot ko.

"'Kasi may kakayahan ako na hindi ko maipaliwanag' sabi niya. 'Kada nagagalit ako may nagkakasakit katulad ng anak ko nakagalitan kung noong minsan e nagkalagnat' 

"'Ay, hindi ko alam yan ate e sensya' sagot ko naman

"'Ok lang' sabi niya.

"Simula po noon lagi na ako nakakaramdam na may nakatingin sa akin tapos hinahanap niya po ako sa mga workmates ko. Hangang isang araw po ay natutulog po ako't nakayakap sa aking kasintahan ng bigla po akong bangungutin, yung sleep paralysis po. Ang nangyari noon e ramdam kong nakayakap pa din ako sa kanya ng nakita kong nagbukas yung pinto, hindi ko magalaw yung ulo ko kaya nakita ko lang na may babaeng pumasok. Maya maya po ay dumilim na tapos nagfreak out na ako, hindi ko maigalaw buong pangalan ko sinisigaw ko pangalan ng kasintahan ko pero hindi nya naririnig, nagdasal ako pero hindi gumana hangang nakita kong may babae sa paanan namin so mas nilakasan ko pa ang dasal, biglang na lang lumapit yung mukha saakin tapos mukha ng katrabahuan ko. Ang sabi ko ' Hindi ka namin kailangan, umalis ka dito' after po nun na try ko ng pagalawin ang paa ko at nagising na po ako.

"Natakot po ako, mula po noon e medyo dumistansya na po ako sa kaniya. Dagdag pa po roon e mahilig po syang humawak, ewan ko kung bakit pero ayaw na ayaw ko siyang humahawak sa akin pag mag tatanong sya o may sasabihin hahawakan nya ako na ikinaiirita ko pero pag iba naman po gumawa e hindi naman. Meron pa yung hinila niya bigla yung hoodie ko na ikinasakal ko e may ginagawa po ako't nakatalikod sa kanya. Pag humahawak po ako e humahawak ako ibang tao o ibang bagay parang may something po kasi ang bawat hawak niya saakin. Bukod po doon ay pagnakatingin sya sa akin e meron po sya mga hand signals na hindi ko maintindihan, mga hand gestures na kinayayamot ko pag nakikita ko, parang shine-shake nya lang naman kamay nya pero naiirita ako.

"Ngayon naman po ay nagtatanong na sya ng mga personal na bagay. Ang mali ko po ay sinagot ko naman yung mga tanong niya. Hindi ko po kinakatakot na ako yung atakihin nya kung saka sakali pero yung pamilya ko po kung may kakayanan sya na gawin man yoon. Sana po ay matulungan niyo ako.

"Hindi naman po ako iritable sa mga kasama niya, sa katunanayan nga po e masaya ako sa kasama niya. Sa kanya lamang ako hindi maganda ang vibes. Simula po nang bangungutin ako e nanghihina na po ako at may minsang mga sakit sa ibat ibang parte ng katawan ko. Naitanong ko na din po ito sa kaibigan kong theology teacher at sabi niya naman na palakasin ang katawan magdasal at kung maari e ang unang buhos ng panligo ay may asin at sabihin na 'kung ano man ang masamang nilagay sa akin e agusin ng tubig na ito'. wala naman halos sumasakit sa at hindi na ako halos bigla biglang nanghihina. Ang kinatatakot ko lang po talaga ay ang pamilya ko.

"Maraming salamat po !!"


--------------------
"P.S. Ang sabi po nila ay gifted din ako. Nakakaramdam at nakakakita din naman po, pero ang pinaka masasabi kong hindi natural e yung mga panaginip ko na nagkakatotoo o future events pala. Ang sabi din po sa akin e dati akong warlock. Nung kabataan ko po ay ayaw na ayaw kong nagpupunta sa simbahan. Hindi ko po alam kung san ko nakuha o natutunan yung pag gamit ng pentagram, basta po ang naalala ko noon ang sabi ng lola ko e may kalaro akong duwende mga 3-5 y/o po ako noon at mga 7 ay ginamit ko na yoong pentagram, basta may kagalit ako o ayaw kong mangyari e gumagawa po ako ng pentagram gamit ang daliri ko. Itinigil ko po yoon nung highschool ako o college ng napansin ko na minamalas ako o ang pamilya everytime na ginagamit ko yoon. Nang nakilala ko po yung theology/ religion teacher na kaibigan ko ay mas marami po akong natutunan, naikuwento nya din po kayo. May ipanakilala din syang 'malakas' na gifted na nag train sa akin ng intuition. May mga bagay na pinahuhula po sya. Sana po ay matulungan nyo ako kahit mga dasal lang para madepensahan ko ang mga ganitong bagay. Maraming Salamat po uli!


My reply:

Hello _____!

That woman has an intense crush on you. To counteract it, whenever you are together, start telling her stories about women you like--women who are obviously very different from her. Criticize her hair, her face, the way she dresses. Whenever she touches you, take out a bottle of alcohol and wipe yourself; this is not rude, it is a normal thing during the pandemic. Irritate HER.

Finally, be a man who knows how to say no. It takes NO AMOUNT OF MAGIC to do so.

Do you want to live a normal life? Forget everything about being a former warlock, about gnomes, about magical spells, and simply live a normal, well-grounded life.

No comments:

Post a Comment