Your Messenger message:
"Magandang umaga po Sir Tony, ishare ko po ang panaginip ng aking bespren baka po mabibigyan ng linaw niyo po ang kahulugan.
"Mag aaral daw po ako kaya need ko ng apartment/dorm. Nakakita na po ako tapos tsinek siya ng bespren ko tapos sabi niya sa akin may multo. Tapos Nakita ko din po. May binanggit po ako na pangalan para kuhanin ng espiritu ang mga gamit niya tapos may biglang kumatok. Hindi po ako nakaramdam ng takot habang nananaginip o habang nasa panaginip. "Biglang nag transform upang manakot sa isang form parang demonyo na may sungay (medyo nakaramdam ako ng bahagyang takot dahil naging aware ako na siya pala ay demonyo). "Nagtalukbong na sa kumot ang bespren ko pero ako ay na overcome na ang takot at nag utos sa demonyo na kunin na niya ang mga gamit (drawing books etc.) niya. Sinabihan ko ang siya na huwag kang manakot kasi kakaratehin ka nitong bespren ko. Tapos ang bespren ko ay nag position ng parang kay bruce lee na starting na stance. Pero light ang pakiramdam kasi nakangiti ang bespren ko. "Nang scratch ang demonyo sa braso ng bespren ko ng dahan dahan tapos tinapik ko siya at pinagsabihan ko na wag niyang gagawin yun (sa paraang parang isang guro na pinagsasabihan ang estudyante) para matahimik na siya. Sumagot ang demonyo na saka na lang daw kapag Nakita na niya ang pumatay sa kanya (parang hinahanap nya ang kanyang ama, hindi po ako sigurado). "Sinabi ko sa kanya na walang pumatay sayo, nagpakamatay ka. Pinatay ka ng depresyon. Tapos niyakap ko siya at Nawala na ang demonyong anyo at umalis na siya. "Nag alarm na po tapos nagising ako.'
My reply:
Hello _______!
Una sa lahat, ang panaginip ay dapat itala sa mga salita ng mismong nanaginip at hindi ng ibang tao. Gayunpaman, naito ang mga nahinuha ko tungkol sa kaibigan mo:
Matagal na siyang miserable sa tahanang kinabibilangan niya. Maaaring di siya malayang makakilos at pakiramdam niya ay para siyang bilanggo. Ang kalagayan niya ay dahil sa isang ama na nasa tahanan ding iyon: ama, lolo, tiyo, kuya, o pinsan.
Sa panaginip na ito, ibinubulong ng Diwa sa nananaginip na panahon na upang harapin niya ang lahat ng kinatatatkutan niya sa buhay--sa pamamagitan ng pagmamahal, pag-unawa, at mga makatwirang desisyon.
Sapagkat ikaw ang nagtala ng panaginip, may kinalaman din sa iyo at sa sariling buhay mo ang panaginip na ito.
No comments:
Post a Comment