Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Saturday, May 13, 2023

Your Messenger message:

"Magandang umaga po ser Tony Perez, kalabisan man pong mag-chat at napaka-informal nitong flatform.

"Magtatanong lang po sana ako ser kung may binebenta pa po kayo na book niyo na Cubao-Kalaw,Kalaw Cubao. o kung hindi naman po maaari po kayang makahiram ng kopya, gagamitin lang po ng inyong lingkod para sa papel na sinusulat sa Graduate School sa Programang Malikhaing Pagsulat, ang Cubao-Kalaw na lang po kase ang wala akong kopya, wala po nito sa UP lib, sa Ateneo at La Salle po hindi po pinahihiram. "Kung sakali rin po, maaari ko pong rentahan. "Maraming salamat po. "Magandang umaga"


My reply:

Hello _____!

1) Hindi ako nagbenta ng sarili kong mga libro kailanman. Trabaho iyan ng Marketing Manager.

2) Wala akong kopya ng sarili kong mga libro. Bakit ko gagawin iyan? Ako na nga ang nagsulat, ako pa ba ang magtatago ng mga sinulat ko?

4) Kung wala kang mahanap na kopya, palitan mo na lang ang paksa ng papel mo. Higit kang giginhawa.

No comments:

Post a Comment