Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Wednesday, March 13, 2024

Your Messenger message;

"Hello po dad,

"Nanaginip po ako, "Gabi po yon pero nakita ko po sinag ng araw pati po ung rays ng araw nakita ko, nung andun po ako sa place na un ang blurred po unti unti pong lumiwanag, sa lugar ng baguio kung saan may paradahan at unting lakad lang po may mall, habang unti unting lumiliwanag ang aking paningin na mataan ko na may baril at kaguluhan kaya tumakbo po ako hinila ko po ung isa kong kaibigan para po tumakbo, tumakbo po kami patungo sa mall sa may kainan umupo po kami roon. sa may resto may salamin kung saan nakikita ko ang mga taong dumadaan, nakita ko po may lalaki na matangkad naka black po siya aligaga po siya kung makatingin sa may mga gilid gilid unting unti po niya nilabas ung baril niya tinutok po niya sa sarili niya ngunit d po pumutok ung baril, tumayo ulit ako at hinila ko ang aking kaibigan para umalis na kami humahanap ako ng ligtas na lugar nung kami ay paalis na nakita ko po mga pulis nilalabas mga bangkay na tao nakapila ang mga bangkay kailangan namin na dumaan doon para safe kami binalaan ko kaibigan ko na ipikit mo mata mo wag mong titigan, nakikita ko na pinipilit niya na wag niyang titigan kahit madaming dugo na nagkalat kailangan namin dumaan dahil allam kong doon ang ligats, at may liwanag po ulit akong nakita at nagising po ako na pagod na pagod, kahit may tulog po ako pagod parin ako, "Pano po kaya gagawin o i control po parang pagod na pagod po ako dad nung pagkagising ko po, "Thank you po dad"

My reply:

Hello _________!

Dalawa ang maaaring pakahulugan ng panaginip mo.

Una, pagkat ilang ulit na ring nangyari na nagkatotoo ang mga panaginip mo, ang mga nakita mo ay may posibilidad na mangyari--isang lalaki ng balak magpatiwakal malapit sa isang mall o kaya ay pumatay ng ibang tao. Iwasan mo munang magtungo sa mgva mataong lugar.

Ikalawa, ito ay maaaring sumasalamin sa kasalukujyang mga suliranin ng mahal mo sa buhay. Ang panahong ito ay mabigat na pasanin para sa kaniya, kung kaya't suportahan mo siyang maigi.

Upang di mapagal sa paglalakabay sa gabi, isuot mo ang orgonite pendant na binigay ko sa iyo o kaya isang singsing na may makinang na puting bato--tulad ng diyamante, brilyante, o puting sapiro.

No comments:

Post a Comment