Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Tuesday, June 16, 2020

Your Messenger message:

"hi sir Tony Perez,
"matagal ko na po kayong gustong maging friend dito sa facebook kaya lang po full na raw po ang inyong friends list, mabuti ay this time, nakasingit na po.
"taga cubao din po ako, dito po kami sa may _____________ malapit sa Immaculate, church.
tagahanga po ng mga naisulat nyo. Pero kalian ko lang po talaga nabasa ang karamihan. yung panganay ko pong kapatid, ay sumasali noon sa mga spirit quest, pero hindi ko lang po alam kung sa inyo po ba o baka sa iba. hayskul pa po kasi ako noon. Marami po siyang libro niyo. lagi po syang naghahanap ng mga kasagutan sa mga nakikita niya.

"pero di pa po kasi ako masyado nagbabasa noong mga panahon na yon at di ko pa rin po masyado naiintindihan. Eventually nahilig din po ako sa pagsusulat. Nung nagtatrabaho na po ako, saka ko lang po nabasa mga libro nyo na merong kopya ang kapatid ko. The departed, stories of the moon, the calling, mga panibagong kulam, saka po yung Eros, Thanatos, Cubao. Yun lang po ang nag iisa sa cubao series na meron ako.

"Hanggang napasali po ako sa isang workshop. Nagsusulat po ng mga maikling kwento. doon po ako nakakilala ng mga mahihilig din magbasa at magsulat. At marami po pala kaming humahanga sa inyo. Bago po kasi sa akin yung mundo o community ng mga manunulat dahil iba naman po ang kurso ko, bs ______________. Kumbaga hindi po ako masyado na-expose sa mga Filipino literature. Unlike nung iba ko pong kasama sa workshop ay malayo na talaga ang narating sa pagbabasa. Pero masaya po ako dahil marami po akong natutunan sakanila. Marami po akong nakilalang Filipino author dahil sakanila.

"Palagi rin po nababanggit ang mga akda nyo sa mga workshop namin. Sa tuwing nadadaan po kami sa mga independent book shop ang hinahanap po namin agad ay mga libro nyo. Kaso mahirap na pong makahanap. Kaya madalas naghihiraman na lang po kami.

"Kahit sa opisina po noon, bitbit ko ang the calling, binabasa kung break time. Hanggang sa may katrabaho din po akong nagbabasa na rin ng mga libro nyo, at pinagpasa-pasahan na nila.
"Iba rin ang naidulot sa akin ng librong iyon. Mas nagkaroon po ako ng malasakit sa lahat ng bagay na may buhay, mula sa mga maliliit na insekto hanggang sa mga puno. Pati po ang mga wala na sa mundong ito. Saka mas naintindihan ko po na importante sa ating mga nabubuhay na magpatawad. At napakamakapangyarihan talaga ng pagmamahal.

"Gusto rin po namin kayo maka kwentuhan ng mga kaworkshop ko, isang hapon, sa cubao. Yun naman po ay mga pangarap lang namin. Pero nahihiya po kami at natatakot na rin dahil sinasabi po ng ibang manunulat na masungit daw po kayo. Hehe saka nahihiya rin po kaming maka abala dahil alam naman po namin na retired na po kayo.

"Pero dahil nga po nagkaron ako ng pagkakataon makapagbigay po ng mensahe sa inyo, e pagkakataon ko na rin po kasi ito na masabi na isa po akong tagahanga. Di ko lang po mabigyan ng mga tamang salita pero binago po ng mga libro nyo at akda ang mga pananaw ko sa buhay.

"Sana po kapag wala nang virus, at ligatas na po ang lahat, sana dumating po ang pagkakataon na pwede namin kayo makakwentuhan, isang hapon, sa Cubao. Pero masaya na po ako na nakapagpa-abot na rin sa inyo ng mensahe.

"Salamat po at keep safe sir Tony!

"Ako po si _________, __ po for short."


My reply:

Hello __!

Thank you for your kind words. Just keep on writing. Do it first as a hobby while pursuing a career that will make you financially stable through your entire life.

I am now a hermit and almost never leave the house, so I can't go out and meet your workshop friends. I'm also currently enmeshed in completing a total of 40 paintings for Maryhill School of Theology and have no time for anything else.

Incidentally if your sibling is not in my Private Group _The Spirit Questors_, then he/she is not a Spirit Questor.

No comments:

Post a Comment