Your Messenger message:
"Good Morning, Sir Tony.
"I’ve been thinking about it lately to reach out to you about my childhood experience. This happened so many years back when my late granpa was still alive. "Malinaw pa sa aking ala-ala iyong nangyari sa akin nung bata ako. I remember being excited, listening to my lolo’s experience regarding supernaturals— about him meeting with Archangel Gabriel and other saints at our backyard, sa family house pa po namin iyon. And I remember, it was around 5pm at halos hindi ko na namalayan iyong oras na kausap ko siya. Madami po kaming napag-usapan, tulad ng mga orasyon, mga mutya at kung paano po sila makukuha. Bata pa po ako nun. Siguro ay nasa around 9-10 years old ako. Dahil ugali ko pong makinig at magtanong sa kanya sa mga ganitong bagay, natanong ko rin iyong mga orasyon na sinasabi niya; hanggang sa hindi ko po namamalayan na binigyan nga po niya ako ng isa or dalawang orasyon na iyon. Sabi pa niya, meron siya tanging siya lamang iyong nakakaalam at ipapasa niya lamang ito sa mga anak niya. Ako ay curious akong malaman iyon, pero nakuwento nga niya sa akin na mahirap at may kaakibat na pasanin daw iyon. Magtatakip silim na nun, Sir Tony. Napalingon ako sa may puno ng talisay. Nagulat ako ng may mga matang nakatingin sa akin. Nagtama iyong mga mata namin. Naaalala ko pa. Matatalim ang mga titig niyang iyon, at mapupula iyong mga mata niya. Hindi ko po mawari kung may sungay iyon kasi natatakpan ng dilim. Pero tanging ang napatindig ng takot sa akin ay iyong mga tingin niyang nanlilisik. Agad kong sinabi iyon sa lolo ko habang nasa tabi ko siya. Sa una ay hindi niya ako pinaniwalaan. Sinabi niya lamang na magdasal ako. At dahil sa kinakain na rin kami ng dilim, minabuti na naming umalis. "Simula po nung gabing iyon ay sunod-sunod iyong mga masasamang panaginip ko nung bata ako na parang may humahabol sa akin at maiiba na naman ang setting. "At sabi pa nila ay may tinuturo raw ako sa may bintana at sumisigaw. Minsan ay babangon at hihiga, maglalakad ako nang nakapikit ang aking mga mata. Kung hindi ako nagkakamali ay isang linggo rin iyon. Sabi pa nga nila ay dahil daw sa pinasahan ako nung lolo ko ng orasyon niya. "Pumasok po akong altar server, simula nun ay nawala na iyong mga masasamang panaginip. * Fast forward mga college na po ako nun, nanaginip ako, isang gabi, wala na po si lolo nun, matagal na siyang sumakabilang buhay at iniisip ko pa rin iyong hindi niya napapasa na orasyon niya, isang gabi, ang bigat ng panaginip ko, sa likod ng bakuran daw namin, para akong namamangka, at nakatinign sa malaking krus na nakabaliktad. Sobrang bigat po nung pakiramdam ko every time I still recall that dream and it happened twice. Hindi po magkasunod. After 2 years kung hindi ako nagkakamali ay napanaginipan kong muli. Naka-lock po iyong mata ko sa baliktad na krus at sobrang laki niya at namamangka po ako sa likod ng old family house namin, at tanda ko pa na may tumutulong dugo sa krus na iyon. "At bakit po kaya sa tuwing nagdadasal ako ay napapahikab po ako? * "Year 2019, nung lumuwas ako ng Maynila. I was hired in a corporate industry na naka-based po sa Cubao. I rememer, bigla ko na lang binasahan ng kamay iyong mga former workmates ko dahil nakuwento ko po sa kanila na tila nakakabasa rin ako ng palad pero mas nangingibabaw sa akin iyong past experience ng mga nababasahan ko po. At iyon, every time na ginagawa ko siya ay sumasakit iyong ulo ko, tila nauubusan ako ng energy. Nagtutugma iyong mga sinasabi ko sa kanila. May minsan din na iyong iba ay hindi. Pero hindi ko pa po alam kung nakakabasa po ba talaga ako. "Ngayon po ay nais kong mas maintindihan nang mabuti ang mga bagay na ito. Kung bakit nung nagpahula ako sa Quiapo ang sabi sa akin ay may gabay daw po akong liwanag/ spirit sabi po nung matandang nanghula sa akin. I" also tried listening to some podcast, which I heard your name. Matagal na po kitang finofollow dito sa Fb due to common friend na isa ring manunulat. Ako po’y nagdadalawang isip pa nun, pero sana ay matulungan ninyo ako."My reply:
Hello ______!
Ang bawat orasyon--ang bawat TOTOONG orasyon--ay nasa pangangalaga ng kapre. Ang nakita mong mga mata at ang inaakala mong mala-demonyong anyo ay sa isang kapreng sumubok makipagkaibigan sa iyo at maging gabay mo, datapwat natakot ka. Pakatandaan na ang mga kapre at ibang nilalang na hindi tao ay kaiba ang hitsura--ang pangit sa atin ay makisig sa kanila, ang makisig sa kanila ay pangit sa atin. Halimbawa, ang haba at tulis ng ulo ng kapre ang nagdidikta kung guwapo sila o hindi.
Sa pakiwari ko, binigyan ka ng kapreng iyon ng kakayahang bumasa ng tao.
Pakatandaan din, ang mga pangit, may sungay, at mukhang halimaw ay hindi nangangahulugan na sila ay diyablo.
I have always been telling the Spirit Questors this:
Do not see fallen angels where there are none. In the first place, they are of such high ranking that they would not deign to be seen by you. Fallen angels do not disguise themselves as extraterrestrials, elementals, and the like. Why should they step down to a lower level when they are already content being where they are--in churches and inside religious statues, especially those being paraded and worshipped--because they like the attention they get when they are there. As such, they can even answer prayers and grant wishes as celestial beings can. They are the yin to the yang on this planet.
The only other places they are in, of course, are in persons' hearts. After all, if gods, goddesses, saints, and avatars can be in one's heart, why can't fallen angels? Isn't that easier and more convenient than lurking in the dark and disguising oneself as an elemental?
Fallen angels follow the path of least resistance due to their superior intelligence. They do not appear as images from horror movies. They are where they are most comfortable--right under your nose, in your everyday life.
No comments:
Post a Comment