Your Messenger message:
"Good day po Mr.Tony Perez
"May panaginip po ako mga 1buwan na yung na una at a week na yung 2nd panaginip na mukha may kinalaman sa isat isa. "Una dream ko ay alam ko kabila demensyon ito doon ay parang may labanan, siguro spiritual ito dahil yung labanan nila hndi naman gaya sa tao na gera/barilan. "Doon ay parang nag karoon ako tungkod, kusa or bigla ko ito nasapakamay, dahil nga ay may labanan doon ay naki sali ako gamit yung tungkod na parang alam ko na gamitin, kaya ginamit ko sa pamamagitan ng pag TUSOK/TURO sa kalaban ng hawak ko tungkod at humaba ito at tumama yung dulo ng tungkod sa mabato burol kasi tumagos lang ito, Ramdam ko yung tinamaan ng tukod ko nadurog pero tumagos lang ito sa Tinira ko ng tungkod. kasi pala hndi na pala ako kasali sa dimension na iyon or palabas na ako ng dimension na ito na nag lalaho parang bula. "2nd dream ay parang naging Sakrista ako or seminirista kasi po naka suot ako ng damit nila SOTANA at para may Misa yata yun kaya may mga katabi/kasama ako mga pari may higher rank. Nakita ko din doon na natutuwa nanay ko at isa ko kapatid na babae na ganun status ko at naka suot ng SOTANA. "Tapos nag lalakad ako sa isang pasilyo at may nakita ako na nag patigil sa akin, kaso nalimutan ko ng pag gising ko kung ano ba nilalang yung nakita ko( emotion ko sa nakita ko ay medyo pangamba? ) "Yun lang nalimutan ko po ano yung nakita ko sa dream na yun. "Kaya dalawa dream kuwento ko Mr. Tony baka po connected sila"My reply:
Magandang araw, _____!
Ang dalawang panaginip mo ay may kinalaman nga sa isa't isa. Pareho ang kanilang pinakakahulugan, na may kinalaman sa pagkalalaki o sa kakayahan ng lalaki sa pakikipagtalik.
Sa unang panaginip, ang tungkod ay talinghaga ng ari mo. Tandaan na ang aring "galit" ay tumutukoy sa pagiging matigas, handa, at pagiging palaban sa kapwa lalaki.
Sa ikalawang panaginip, ang seminarista o sakristan ay sagisag ng pagiging birhen o malinis ng isang lalaki, lalo na't naroon ang ina mo at mga kapatid mong babae.
Sa kasalukuyan, mayroon kang agan-agan tungkol sa kakayahan mong magpaligaya ng babae (o lalaki) at manatiling mabuti sa paningin ng pamilya mo.
Itanong sa sarili:
May nasaktan ka bang babae?
May pagkukulang ka ba sa pagbibigay-galang sa ina mo at sa mga kapatid mong babae?
Datapwat, huwag mangamba, Hindi ligtas ang lahat ng lalaki sa pagkabagabag tungkol sa mga bagay na iyan, lalo na't kung, sa lipunan, ang ginagamit na panukat sa pagkalalaki ay dili iba't ang laki at kapangyarihan ng kanilang ari, lalo na sa pagbibinhi.
No comments:
Post a Comment