Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Sunday, November 26, 2023

Your Messenger message:

"Magandang hapon po, Sir Tony! Gusto ko lang po sana itanong kung may ibig sabihin po itong panaginip ko. Natatakot po kasi ako.

"Sa panaginip ko po, may matandang babae sa sala ng bahay. Nakatayo siya sa harap ng table namin. Tapos may mga nakatirik na kandila. Nagdodrowing siya ng mga circles something. Tapos bago matapos iyong circle, e nagising ako kaya napasigaw ako at tinanong kung sino ka. "Ang narinig ko palang sinasabi ng babaeng matanda e. "Mangaliyo ka. Mangaliyo ka. "Tapos nung nasa labas na, may isa pang matandang kapitbahay na nagsabi kung ano meaning nung salita.

"Wala naman kami matatandang kapitbahay

"Naalala ko iyong panaginip ko nooon na may matandang lalaki naman na ang ginagawa din sa katawan ko e circles tapos naglalagablab ang mata ko. Mga puro number 8 na sugat. Na tipong paggising ko e naramdaman ko iyong kirot.

"Ang mas kinakatakot ko pa, e. "Sabi nung matandang nagsabi ng meaning e. Kung natapos daw iyong circle nung matandang babae na pumasok sa bahay namin e baka patay na raw ako. Para sa akin daw kasi iyon."


My reply:

Magandang hapon, ________!

Ang matatanda sa mga panagibip mo ay mga bahagi ng nakatataas mong Diwa. Ang mga bilog ay ang mga simula o unang hati ng pigurang "8," o ang ssagisag ng kawalang-hanggan. Samakatuwid, ang mga pabaginip mong iyon ay may kinalaman sa oras o panahon at ang pagwawalang-bahala mo sa pagiging maigsi ng buhay.

Sa edad mong ito, malinaw ba sa iyo kung ano ang dapat mong patunguhan?

Nagagamit mo ba ang mga talento mo sa wastong paraan?

Maligaya ka ba sa kasalukuyan mong kinaroroonan?

Kung ang sagot mo sa tatlong iyan ay "Hindi," maghunos-dili ka at pilitin mong matauhan ka. Maigsi nga ang buhay, kaya't huwag mong aksayahin ang nalalabi mong panahon.

No comments:

Post a Comment