Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Wednesday, November 22, 2023

Your Messenger message:

"Hello Sir Tony, good day! Naglakas loob po akong mag msg sa inyo to seek help po sa sitwasyon ko. Upon doing my research online, I came accross an article by RJ Ledesma on Philstar last 2010 and that was with an interview with you. I know you are someone na may alam at experience tungkol sa paranormal. Yung concern ko po ay dahil ang sabi po nila kumukulo po ang langis pag nandyan ako kaya tinawag nila akong aswang. In a sense na everywhere I go nandun yung title na yun. It started when I rented a boarding house near my workplace and the neighbors would gossip that I make the oil boil, until it also happened at my workplace. I was battling with my mental health because I am afraid of what is happening and all the gossips around. Baka nauso ang pagdadala ngayon ng langis na bumubula. And then, I decided to resign at work because I was hoping na mka hanap ako ng tulong to whatever it is that is happening to me and focus on that dahil na rin everywhere I go I am labeled aswang by most people dahil sa langis na kumukulo. Natatakot din po ako kasi ako mismo na observe ko na yung nasa paligid ko na mga tao nangangati sila sa katawan pag andyan ako. I told my mother about this and my nanay and I believe the family knew. Dinala na ako sa mga manggagamot (dalawa) last yr and ang sabi is hindi nmn daw ako aswang at nasa utak ko daw yun. Huwag na daw ako mag isip ng mga ganung bagay. Nag consult din po ako sa online na faith healer. Same lang din ang advice na huwag ko na masyado isipin. Pro easier said than done po para sa akin kasi hindi ko maintindihan bakit kumukulo ang langis at saka ang pagkati ng katawan ng mga tao. Hindi naman po ako nag iibang anyo sa pagkakaalam ko at hindi nmn din ako napapadpad kung saan2 pagkagising. Tapos sa bahay namin since along the road kami, maraming nagbubusina at ang sabi pa ng ibang motorista may aswang daw. Lately din, starting nung August ata hindi na ako mka tulog ng straight. Lagi akong nkaka gising sa madaling araw ng ilang beses. Nangyayari po ito ng ilang araw sa linggo. At may times na once nakagising ako mahirap ng matulog ulit kahit anong pilit at anong mga music for sleep na pinakinggan ko like rain sounds, white noise. May time then nun August din ata na straight ata isang linggo wala akong tulog ng ayos. Mga 1 hr or 2 hrs lang ata kasi pag nakagising na ako ng madaling araw mahirap na matulog ulit. May mga chismis na dito na ako nga daw sguro ay aswang dahil may nakakita daw at nakapgsabing kamukha ko ang nakita nila. Pro sa akin is nandito lang talaga ako sa kwarto at tulog or pinipilit matulog (kasi sa panahon na mahirap matulog). Nanghihingi po sana ako ng tulong kasi alarming na at yung hindi ko pa naman gusto talaga is ang mkasakit ng kahit kanino. Marami ding nilalagnat dito and I’m not sure if praning na ba ako pro feeling ko ako yung sinasabing dahilan bkit maraming nagkakalagnat. Sorry at mataas po ang msg ko at hindi nyo din naman ako kilala pero sobrang appreciated ko po kung mkapag reply kayo dito. "Salamat.

"Sorry at hindi ko naintroduce yung sarili ko. Ako po si ___________.

"Hi sir Tony, good evening. Sorry at makulit ako. Nagbabaka sakali lang. May explanation ka po bang maibibigay sa mga nasalaysay ko po? Lately din di ako makatulog na ng straight parati akong nakaka gising. Late 20s palang po ako. Sorry po at makulit ako at kayo ang message ko kc alam ko pong kahit papaano may ma isha-share ka po na kaalaman ukol dito. Salamat po."


My reply:

Hello __________!

I will refer you to a female Spirit Questor who will help you with this, since I no longer handle female cases.


No comments:

Post a Comment