Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Thursday, March 7, 2024

Your Messenger message:

"Good evening sir, pwede po sir maka hingi ng payo sa inyo? Bale may problema kasi yong anak ko panganay since umalis po ako ng bansa humabol po ako sa ibang mga anak ko dito sa _______, bale naiwan po yong anak ko ng lalaki pati dalawang anak nya at asawa nya pati na po ng asawa ko, sa madaling salita po sa 6mos ko po dito nagka problema yong anak ko at asawa niya sa ngayon po humantong sila sa hiwalayan tapos po yong anak ko ngayon naguluhan. Pwede mo po ako sir payuhan kung ano pwedeng tulong ihandog ko sa anak ko? Tumigil na din siya sa teaching. Sinabi niya sa amin gusto na nya mag abroad din gamitin niya pag ka nurse nya, baka po alam nyo kung anong best ipayo ko or tulong ihandog ko sa kanya. Salamat po. "Sa katunayan po, humingi na ako ng tulong sa dalawang gabay ko. Pareho po ang sinabi na ako lamang ang makakatulong at dapat isalba ko siya. Ngunit hindi po malinaw sa akin kung ano ang tulong na pwede kong ibigay kasi naibigay ko na po ang lahat maliban sa financial kasi wala po ako nun. Salamat po sa iyong tulong."


My reply:

Hello ______!

Malaki na ang anak mo; kailangan niyang matutunang tumulong sa sarili. Sumangguni siya sa taong mahusay sa career counseling at marriage counseling.

Hinggil naman sa kawalan ng pera, problema ng maraming Pilipino iyan. Hindi ka nag-iisa.

No comments:

Post a Comment