Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Monday, April 1, 2024

Your Messenger message:

"Good afternoon po

😊

"May Panaginip po kasi ako

"Doc napanaginipan kita nasa car daw tau with _______, tapos while driving napadaan pala tau sa masikip n eskinita close pala si road tapos kumaskas ung car sa gilid ng semento slight nadisgrasya daw tau. Si _______ sa dream ko nabungi ngipin nia, tapos nag request ako n ikaw magdrive doctor nun after, tapos tinatanong ko okay lng b si _______ ayaw nia sabihin sa panaginip ko, bago tau sumabay ng sasakyan i remember umuulan sya kasi may plastic cover ung car bago tau pumasok tinupi ko muna sya bago ako nag hop in. Tapos nung ikaw n ung nagdrdrive may nadaanan taung malaking building with blue sign MBAC something, tapos nagtanong k ano Kaya Ito daming Tao sa labas nun so sbi ko Baka business association kasi tina translate ko ung letter sa building Tapos paikot n tau sa stoplight tapos sabi ko slower kl’ lng magdrive doc kasi mga Tao dito walang pake sa stoplight kasi may slight tau ma bangga kasi sobrang lapit talga Nila sa car nakadikit, "Tapos another picture si ___, nagkwekwento sya ung friend Nia sobrang yaman n tagal n daw nun sa Paris, uwian n lng sa pinas ang negosyo lng kakanin, so sabi ko p Kay ___ ikaw ___ magstay k v dito tignan mo Yan uwian lng oh, okay nmn dito work sa France, 'Ilan ito sa dreams ko po"


My reply:

Hello _______!

Sa kasalukuyan, ikaw ay nakatayo sa isang krus na daan at di ka makapagdesisyon kung saan ka tutungo. Pakinggan ang ibig ng puso, ngunit pakinggan din ang pangangatwiran ng isip.

Ang matagal nang nakababagabag sa iyo ay ang pangangailangan mo ng pera para tustusan ang mga pangarap mo sa buhay. Makakamit mo lamang ito sa pamamagitan ng sipag at tiyaga, at hindi sa pamamagitan ng anumang mahika.

No comments:

Post a Comment