Continued from Tony Perez's Electronic Diary (October 19, 2018 - March 12, 2019) http://tonyperezphilippinescyberspacebook41.blogspot.com/

Photo by JR Dalisay / April 21, 2017

Friday, April 5, 2024

Your Messenger message:

"Mapagpalayang araw po sir tony, co alum sa Mst! Ano po para sayo ang ibig sabihin ng pamamangka sa 2 ilog? Ano ang ibig sabihin pag ang isang tao ay namamangka sa 2 ilog? I just want to check kung tama ang understanding ko. Thanks in advance!

😊

Pasensha na po kung bigla na lamang akong nagtanong out of d blue"


My reply:

Hello _____!

Ang orihinal na kahulugan ng sawikain ay tumutukoy sa isang taong magkasabay na lumiligaw sa dalawang tao, o sa isang may-asawa na nangangalunya.

Datapwat, para sa akin, naipalalawig ang kahulugan nito at maaaring tumukoy sa taong dala-dalawa ang amo, dala-dalawa ang trabaho, o dala-dalawa ang pabortitong gawain.

No comments:

Post a Comment