Your Messenger message:
"Kumusta po? Maagang pagbati po ng maligayang Pasko.
"Nais ko sanang mahingi ang interpretasyon n'yo sa panaginip ko. Nanaginip po kasi ako na sa sobrang linaw e' pagkagising ko ay akala ko ay nangyari talaga. Narito po: "May sumundo po sa amin ng ina ko. Mala-tour-guide-bus ang disenyo ng sasakyan. Sa loob, may mga tao na nakaupo. Pupunta kami sa airport. Doon sasakay naman ng eroplano. Lilipad sa bansa na 12-hrs ang EST ng byahe. Ramdam ko 'yung takot ko kahit sa panaginip dahil hindi pa po ako nakasasakay ng eroplano (kahit sa waking-life ko). Nagawa kong mag-backout. Naiwan ang aking ina sa paliparan. "Nang makalayo na ako, nalaman ko na plano iyon ng ate kong nasa abroad na dalhin kami sa ibang bansa. Para raw maranansan namin ang buhay sa ibang bansa. Kaya naman bumalik iyong minibus sakay ang aking ina. Hindi raw lilipad ang eroplano kung kulang ang pasahero. Bumalik kami kasama ang aking ina sa airport. Sa tagpong 'yon, nagising na ako. "Dagdagan ko po, wala kaming bagahe o mga gamit na bitbit. At sinabi rin ng ate ko na kapag nandon na kami sa bansang iyon (USA), susunod daw ang aking ama at kapatid na bunso. "Maraming salamat po kung sakaling mabasa at mabigyan niyo ito ng pansin.My reply
Hello _____!
Sa buong buhay mo, maraming pagkakataon ang pinalampas mo dahil sa maling pagpapakumbaba at kawalan ng tiwala sa sarili mong mga kakayahan.
Sa panaginip na ito, paalaala ng Diwa mo na ang anumang tagumpay na dapat mong kamtin ay di lamang para sa iyo kundi para sa lahat ng minamahal mo. Ang pagkait mo ng mabubuting pagkakataon sa sarili mo ay para na ring pagkait ng ikabubuti at ikaliligaya ng mga mahal mo sa buhay.
No comments:
Post a Comment